Song Writing as a Ranting Place
Sige, sobrang pagod na ako mag english kaya gagawin natin tong tagalog. It has been a year siguro simula nung tumigil ako magsulat ng mga kanta. Bakit kanyo? Kasi sobrang naburn-out ako sa trabaho ko sa YBM at sa school noon. Ang dami ginagawa tapos nagkasakit pa ako dagdagan pa natin ng trabaho na hindi ka pinapayagan na mag leave kahit na alam nilang malala na yung lagay mo. Kapag nag leave ka syempre no pay kaya pipilitin mo nalang na alam mo yon- pumasok. Alipin tayo ng salapi. Pag wala kang pera di ka mabubuhay. Ang hirap non. Although yes, siguro ngayon ang pinanghahawakan ko eh provided lahat ni Lord lahat ng mga bagay sa buhay ko lalo na ngayon, hirap talaga ng walang pera. Sa pera lahat nadadaan. ANYWAY hindi naman to tungkol sa pera. Tungkol to sa bakit ba ako bumalik magsulat ulit ng mga kanta. As you all know, kadalasan ng mga sinusulat ko eh parang pangalan ko, psalm. Pero ayun nga tumigil ako magsulat ng psalms pati ng secular songs. Kahit na alam kong in...