Song Writing as a Ranting Place
Sige, sobrang pagod na ako mag english kaya gagawin natin tong tagalog.
It has been a year siguro simula nung tumigil ako magsulat ng mga kanta. Bakit kanyo? Kasi sobrang naburn-out ako sa trabaho ko sa YBM at sa school noon. Ang dami ginagawa tapos nagkasakit pa ako dagdagan pa natin ng trabaho na hindi ka pinapayagan na mag leave kahit na alam nilang malala na yung lagay mo. Kapag nag leave ka syempre no pay kaya pipilitin mo nalang na alam mo yon- pumasok. Alipin tayo ng salapi. Pag wala kang pera di ka mabubuhay. Ang hirap non. Although yes, siguro ngayon ang pinanghahawakan ko eh provided lahat ni Lord lahat ng mga bagay sa buhay ko lalo na ngayon, hirap talaga ng walang pera. Sa pera lahat nadadaan. ANYWAY hindi naman to tungkol sa pera. Tungkol to sa bakit ba ako bumalik magsulat ulit ng mga kanta.
As you all know, kadalasan ng mga sinusulat ko eh parang pangalan ko, psalm. Pero ayun nga tumigil ako magsulat ng psalms pati ng secular songs. Kahit na alam kong in love ako noon di ako makasulat ng mga kanta. Bakit??? Tanong ko rin yan.
Pumunta sa point na nagdududa na ako sa nararamdaman ko kasi kilala ko si Psalm. Pag yan nagmamahal magkicringe ka talaga kasi isang buong album yung isusulat nyan for you. Why? Kasi wala akong outlet ng mapapaglabasan ng nararamdaman. Disclaimer lang, wala na yung taong yon ngayon so bakit ko pa ba sinasabi tong mga bagay na to?
Laki din kasi ng ambag niya sa pagtigil ko. Alam mo yung mga bagay eh parang kinampante ako kaya kahit na hindi ako magsulat ng kanta kaya ko naman sabihin yung nararamdaman ko sa kaniya so what's the point if the point of me writing love songs before eh nagagawa ko kahit hindi ako nagsusulat ng mga kanta? Kaya rin siguro tinigilan ko mag sulat pero don't get me wrong. Alam ko sa sarili ko na kakalawangin yung skills ko if ever na tumigil ako for a long time kaya ang ginawa ko eh nagsusulat ako pahapyaw hapyaw lang pero alam ko sa sarili ko na hindi talaga magaganda yung mga kantang nasusulat ko hindi tulad ng sa ngayon kong mga sulat.
Ayun so ayan nga si ate masyadong kampante sa mga ginagawa niya and sa taong kasama niya that time kaya di siya nagawa ng timecapsule na songs. PERO ayun gumawa ako ng ilang songs kasi natatakot ako that time kasi kilala ko sarili ko eh. Pag inlab talaga ako nagawa ako ng kanta so kinausap ko yung bespren ko sabi ko sa kaniya natatakot ako kasi hindi ko kaya magsulat ng love song. Nagtaka din siya so ang ginawa ko, gumawa ako ng song para lang patunayan sa sarili ko na alam mo yun, may nararamdaman talaga ako. PERO KUNG TATANUNGIN NIYO AKO NGAYON ABOUT THAT SONG.... HINDI KO NA NAAALALA YUNG LYRICS HAHAHAHA
Sinend ko yung song na yun sa kaniya maybe because di ko kaya sabihin yung thought na yun sa kaniya like the lyrics and stuffs pero ano yung reply niya??? Di ko na din tanda pero ang natatandaan ko, hindi siya interesado. Ganon naman siya lagi eh. Sasabihin niyang mahal niya ko tapos magiinom siya nang di niya sasabihin sa akin tapos makikita ko sa myday niya na.... OKAY TAMA NA BEH.
Kidding aside, simula nang iniwanan niya ako ang damidami ng mga bagay na naisulat ko na tungkol sa kaniya. Sinubmit ko pa nga sa Wish 107.5 yung mga kantang yon. Ang saya ko kasi nasulat ko yung mga kantang iyon pero nakakalungkot marealize na yung mga kantang yon ay nabuo dahil lang iniwanan niya ako after a year and a half para sa isang babaeng nakilala niya din sa net a week ago. Ang sakit sakit non para akong sinasaksak sa dibdib. Syempre hindi naman ako makaiyak. Sa pagkakaalala ko yung iyak ko non eh sa church tapos wala lahat ng tao doon ako lang tapos grabe yung hagulgol ko para akong tanga na naiwanan sa ere. Di ko maimagine kung paano namaga yung mata ko ng sobra non kasi singkit na ako eh tapos naiyak pa ako ng sobra edi ang ending namamaga yung mata ko na halos di ko manlang maidilat. Kaya ikaw, kung nababasa mo to sobra pa rin yung galit ko sayo.
Sakit pa rin naman pero alam mo nung nasulat ko yung P.S. Di Labsong, Simon, at Kalatas, ang saya saya ng musical spirit ko kasi para akong nabuhayan na ewan. Ang tagal tagal kong inintay na makasulat ng ganong kanta na alam mo yon, magiging masaya ako kung sakaling kantahin man ng ibang tao. Tsaka ang ganda ng tunog parang hindi ako nagsulat. Parang yung pakiramdam nung naisulat ko yung Ibang Mundo nung shs pa lang ako. Para kasing naisulat ko yung puso ko sa mga kantang iyon to the point na ang saya saya sa puso kahit na nakakasakit na yung lyrics (sarili ko yung sinasaktan ko). Nakakaadik.
Siguro kaya ganon kasi wala na akong rant person kaya sa kanta ko nalang nilalagay lahat ng hinanakit ko. Wala ka na eh. Pero kung sakali na babalik ka, hindi naman kita itataboy. Kung aalis ka lang din ulit, wag nalang. CHAROT lyrics yan ng Simon! Stream niyo sa YT ko. HAHAHAHA
Comments
Post a Comment