BAND DIARY
It has been a year I guess. Isang taon ko nang kasama sina Ali mag banda. Sobrang dami ng nangyari sa buhay ko. Ang alam ko lang nag spit siya ng 180 simula nang mag seryoso ako sa craft na 'to. Binalikan ko yung mga past blogs ko dito sa blogspot. Puro siya passion project. Hindi tulad ngayon.
Dati lagi ako tinatanong nina Kuya Gel kung ano ba gusto kong gawin sa buhay ko. Wala talaga akong plano gawin eh. Ayoko kasi ng magwowork ng corporate or other stuff. Kaya ko naman kasi kahit hindi mag corporate. Alam kong mabubuhay ako ng busking kahit alam kong hindi siya forever. Ngayon meron na akong pangarap eh. Meron na akong plano.
May corporate job ako ngayon although ayoko talaga ng trabahong to pero kasi nakakabaliw lang din. Kailangan ko ng pang puhunan sa music. Kahit na sabihin kong meron na akong gitara pero kasi need ko talaga ng keys. Nakakahiya kaya nung nag Net25 kami ng Project: Romeo tapos yung gamit ko eh Casio LK Series tapos ang bulok tignan. Gusto ko makabili ng Yamaha PSR yung 400 something para gamay ko. Kahit yung mas mataas na unit kesa sa gamit ko sa Tagaytay dati. Pero yun nga mabalik. Hindi ko plan na bumili lang ng mga gamit sa music. Ang plano ko, yung mga songs na naisusulat ko ngayon eh yun sana yung bumuhay sa amin nina Ali kahit papano. Pangarap ko yon eh. Ayoko ng hindi mainstream. Mangangarap na nga lang ako hindi ko pa tataasan di ba.
Ang laki ng tiwala ko sa mga kantang naisulat ko. These past months pakiramdam ko hindi ako magaling sa mga bagay na pinapasok ko. Nag try ako ulit mag aral ng Accountancy sa AISAT kaso nabagot ako sa mga prof ko kaya nag stop ako. Magaling ako sa iba pero para sa sarili ko kasi pakiramdam ko ang bobo bobo ko kahit sa trabaho ko ngayon. Kapag nagsusulat ako doon ko nakikita yung sarili ko eh. Doon ako confident kahit na aminado ako minsan wala talaga ako maisulat na kanta pero alam ko talaga na para ako sa song writing. Sobrang mahal na mahal ko yung craft ko.
Siguro kapag ako tatanungin nyo ngayon ang masasabi ko lagi yung monetary aspect pero talaga kapag nakausap nyo ako ng seryoso, makikita nyo kung gano ko kamahal ang pagsusulat ng mga kanta. Yun yung ginagawa ko dati nung wala na ako malabasan ng hinanakit sa buhay or wala ako makwentuhan ng mga bagay sa buhay. Ngayon kasi iba na eh.
Alam niyo ba, dati nung nagkukwento ako dito ng mga eme eme kong mga songs wala yun sa ngayon na nagagawa ko. Ang saya saya ng buhay ko as in. Kasi dati nung nagsusulat ako ng kanta ang iniisip ko lang eh yung sarili ko tapos kung anong magawa ko sa mga chords o sa lyrics yun na yon. Kung i-cocompare mo siya ngayon, yung input nina Joem, Ali, at Roiet sa pagbubuhay ng mga kanta ko, omay talaga. Iba!!!! Sobrang mahal na mahal ko 'tong bandang to. Over the past year apat na banda???? ata yung natugtugan ko pero itong band na to iba talaga. Ang saya saya ko at araw araw ko tong ipagpapasalamat kay Lord.
Last year sobrang down na down ako sa bagay na to eh. Iniisip ko noon baka hindi talaga ako para sa music tapos ngayon pakiramdam ko para ako dito. Ang pinagpepray ko ngayon eh isang song lang na mag boom. Alam ko naman na binibigyan kami ni Lord ng tulong ngayon eh. Grabe kamo confirmation na binibigay sakin ni Lord sa mga bagay bagay na to ngayon. Ang saya saya ko na ganito nangyayari sa buhay ko (liban yung corporate job na papatayin na ako).
Sana by this year makapagrelease na kami. Although ang reason nitong mga to eh nangangarap kami. Gusto ko rin kasing patunayan na tama 'tong desisyon ko. Na para dito talaga ako. Hindi ako para mag gawa ng mga papel sa office, mag schedule ng calendars, o magturo ng ESL sa mga koryano. Hindi lang ako para doon at hindi iyon yung pangarap ko. Tsaka gusto ko patunayan sa mga marami sinasabi sa amin na mas kaya namin kesa sa iniisip nila. Naranasan na namin na may mga sinasabi sa band namin eh. Alam ko naman na we are lacking pero may iba talaga na rude ha!!! HAHAHAHA Pero ayun. Sana matuloy yung plano namin ni Ali na mag cover tapos ipopost ko yon sa youtube. SANA KUMITA KAMI PARA HINDI NA KAMI PURO BUSKING HAHAHAHA
I'm at my happiest in terms sa nangyayari sa music career ko. Sana mabuhay ako ng music. Sana mabuhay kami sa music. Ang dami ko nang ginive-up. Ito talaga yung gusto ko. Dito lang ako firm.

Psalm.
3-7-25
(Tandaan mo lagi pangarap mo, Psalm!)
Comments
Post a Comment